bakit ako nababaliw sa iyo... hindi ka naman kamukha ng kung sino... naiinis ako dahil ang labo-labo... ng pusong nagmamahal ng ganito... lagi akong tuliro, nakatunganga sa radyo... nagiisip, nakatitig sa napakalayo... sana nama'y sabihing mahal mo na rin ako... at nang maibsan ang pusong nagdurugo... ang buhay nati'y hindi pwedeng magtagpo... kay sakit ngunit ito ang totoo... hanggang pangarap nalang ang pag-ibig na ito... sa kabilang buhay, doon sana't tayo... sapagkat wagas ang pag-ibig ko sa iyo... doo'y ilalaan bawat minuto ng buhay ko... sa pagmamahal, ang pag-ibig kong ito... ay tanging sa iyo lamang... mahal ko...
0 comments:
Post a Comment