Bakit di matanggap aking pag-ibig
Laging galit at tikom ang bibig
Nais ko lamang namang madinig
Ang kaligayahang dulot ng iyong tinig
Kay tagal na’t sinubukan kong limutin
Ngunit di maalis, ikaw sa aking damdamin
Tinatanong ko pati na sa salamin
Ano ba ang nagawa’t ayaw sa akin?
Alaala ng nakalipas kay sarap balikan
Ngunit sa pagmulat, kay sakit ng katotohanan
Nais mang kita’y kausapin at hagkan
Hindi ko malaman, ako’y nagaalinlangan…
Followers
Marfan's Corner
Bloggertricks
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment